-
Blog

Bakit Generic?

Dahil na din sa mahal na presyo ng mga branded na medisina ay madalang na pinapansin ito ng mga Pilipino dahil sila lagi nilang binibili ang generic medicines dahil ito ay mas mura.


May dalawang klase ng generic medicines na maaaring mabili sa mga pampublikong botika at iyon ay ang "true generics" at ang "branded generics", base sa Department of Health (DOH).


May ibinahagi naman tungkol sa paggawa ng mga gamot at ano ang generic medicines ang program manager ng pharmaceutical division ng DOH na si Dr. Anna Melissa Guerrero.


Saad niya na tinatawag na "innovators" ang paraan ng paggawa ng isang firts-of-its kind na gamot ang mga kumpanya na dumadaan sa proseso ng product research and development.


Binibigyan din ang mga kumpanya ng 20 years patent o market exclusivity para lahat ng kanilang naging gastos sa research and development ay mabawi dahil sa kanilang innovative product o mas kilala sa tawag na "branded medicine."


Ang ibang pharmaceutical companies ay maaari ding gumawa ng kaparehong medisina paglipas ng 20 years at expired na ang patent na kanilang ginawa. At iyon na nga ang tinatawag na generic medicines.


Ang malalaking pharmaceutical companies gaya ng Ritemed at Rhea Generics ay nilalagyan ng brand name ang isang medisina kung kaya't ang mga generics ay nagiging "branded generics", paliwanag ni Dr. Guerrero.


Saad ng DOH official,


“A true generic must not have a brand. Once you put a brand on it, it already costs more.”


Pagpapatuloy niya,


“If you buy these in the market, a generic medicine costs only P3, for example. The “branded generics” cost around P15. But if you buy branded medicine, it will be P39.”


Sinabi din niya na mas mataas ang presyo ng mga branded generic medicines dahil sa gastos ng kumpanya para sa advertisements nito.


Base kay Dr, Guerrero, ang mga Pilipino ay kasalukuyang tinatangkilik ang mga "branded generics" kaysa sa mga "true generics" dahil akala nila ay mas mabisa ang magiging epekto ng mga ito. Ang dalawang "uri" naman ng generic medicines ay maaaring mabili sa mga botika at ito ay parehong inaprubahan ng FDA.


Saad ni Dr. Guerrero,


“Lahat po iyan ay FDA-approved.”



Binigyan din niya ng payo ang mga Pilipino na puwede nilang sabihin sa mga botika na ibigay sa kanila ang pinakamurang generics kung nais nilang makatipid.


Ani Dr. Guerrero,


“May choice kayo, either bumili kayo ng pinakamurang generic, branded generic or iyong pinakamahal na branded. ‘Pag pumunta kayo ng pharmacy store, sasabihin ninyo po doon sa parmasiya, ‘Gusto ko lang po, maaari po ba iyong pinakamurang generic?”

Submit a Comment